Ang Metro Cebu ay pangalawa sa pinakamalaking syudad sa buong Pilipinas. Ito ay kilala dahil sa ibat ibang magagandang lugar at pasyalan na nasasakop dito. Naging tanyag sa lugar na ito ang Sinulog Festival na kinagigiliwan ng mga turista.at dinadaluhan ng mga manlalahok na mula sa ibat ibang sulok ng Central Visayas.Dito rin matatagpuan ang mga magagandang gusali at hotel na tinutuluyan ng mga turista sa Cebu lalo na sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sr. Sto.Nino, ang patron ng Cebu. Dito rin matatagpuan ang ibat ibang uri ng masasarap na pagkain ng mga taga Visayas at pampasalubong na binibili ng mga turista, tulad ng espesyal na litson, espesyal na danggit, dried mangoes at iba pang mga pagkain na gawa ng Cebu.
Angelie G.Alcala
No comments:
Post a Comment