Thursday, October 1, 2015

The Hidden Beauty of Philippines. This is now your Chance to know it!!! Tara na sa Visayas




Nung nakaraan Araw  nakita natin ang iba't-ibang tanawin sa Luzon ngayon naman ay bubusugin ko  ang inyong mga mata sa iba't-ibang lugar sa Visayas, tara nang  mag EXPLORE.


Ang Kabisayaan ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.


Nakapunta ka na ba sa Lungsod ng Bacolod, o sa anumang bahagi ng Isla ng Negros? Kung hindi pa ay simulan mo nang planuhing makaapak sa tinaguriang Kapital ng Asukal or Sugar Capital ng ating bansa. Ngunit bukod sa asukal at malalawak na mga pataniman ng tubo ay napakaraming tanawin pa ang makikita sa islang ito. 


Ang "The Ruins" sa Lungsod ng Talisay, Negros Occidental



 “The Ruins”. Ito ay isang makapigil-hiningang gusali na itinayo sa ngalan ng pag-ibig at iginupo naman ng poot ng digmaan. Matamis at masalimuot ang kwento sa likod ng gusaling ito na tinaguriang Taj Mahal ng Negros. 
Isa ito ngayon sa mga lugar na hindi nakakaligtaang dalawin ng mga turista sa Bacolod City at Negros. 
Naging saksi na rin ito sa napakaraming mga kasalan at iba’t-ibang mga okasyon. Marami na rin daw na mga kilalang tao ang dumalaw at pinahanga ng gusaling sa loob ng maraming dekada ay naging simbolo ng                                                                                          kayamanan at pagmamahalan.





Ayon sa salaysay, ang bahay na ito ay itinayo noong 1900’s ng isang mayaman at  makapangyarihang hacienderong si Don Mariano Ledesma Lacso(1865-1948)- para sa kanyang asawang si Maria Braga Lacson. Si Don Mariano na may dugong Pilipino-Kastila o Español ay isa sa mga nanguna noon sa industriya ng asukal at nagmamay-ari ng napakalawak na mga taniman ng tubo at pagawaan ng asukal. Si Maria naman ay isang Portugis mula sa Macau. Ang mansyon na kanyang ipinatayo ang siyang pinakamagara at pinakamalaking bahay sa buong lalawigan noon. Nakapaloob dito ang mga pinakamagaganda at pinakamamahaling mga mwebles at kagamitang pambahay na nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. 


                           Magandang pasyalan sa CEBU

Cebu, o ang tinaguriang “Queen City of the South”,






Ang Magellan’s Cross na sumisimbolo ng makasaysayang pangyayaring ito ay makikita sa puso ng siyudad.








Taoist Temple
Templo ng mga Tsino na paboritong puntahan ng mga turista.






GINATILAN  "Inambacan Falls"
Dito makikita ang payapa at namumukad tanging talon.





Oslob Whale Shark Watching
Dito mo matatagpuan ang mga naglalakihang butanding (whaleshark). Halos kasing laki ng  isang bus ang mga uri nito.

                               Ito ang tulay na gusto kung marating balang araw.





Ang Tulay ng San Juanico (San Juanico Bridge) ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na pinagdudugtong ang mga pulo ng Leyte at Samar.





Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang VisayasLungsod ng Tagbilaran ang kabisera nito .Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.




Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong tanawin sa lalawigan.








Ang mga Tsokolateng Burol (InglesChocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa BoholPilipinas. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometres (20 sq mi). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.



Artikulo ni: Farida V. Mangahas

25 comments:

  1. Thanks for this ! 😉 its useful

    ReplyDelete
  2. Thank you po na gamit ko ito sa aking homework

    ReplyDelete
  3. Very useful information Keep it Up!

    ReplyDelete
  4. thx this is gonna help me to my project
    thank you veryu much

    ReplyDelete